Kilalanin si Teacher Dani: ang teacher na allergic sa family reunion. Hindi dahil busy siya.
Kundi dahil sa mga tanong na parang exam na kahit anong sagot mo, mali ka pa rin.
“Kailan ka mag-aasawa?”
“Mag-anak ka na. Sayang ang lahi.”
“Wala ka pang ipon? Aba, daig ka pa ng pinsan mo.”
“Parang tumataba ka…”
Sa likod ng handaan at picture-perfect na pamilya, nandiyan ang unsolicited advice, pressure, at mga kamag-anak na gustong magdesisyon sa buhay mo, kahit wala naman silang ambag.
Hanggang kailan mo babayaran ang ‘utang na loob’? At kailan mo pipiliin ang sarili mo?
Samahan si Teacher Dani sa isang kuwento ng tapang, katatawanan, at boundaries. Dahil minsan, ang tunay na pagmamahal…ay ang paglayo at paglaya.
Paano kung ang pinakamahirap itakdang hangganan ay hindi sa mga estranghero—kundi sa sarili mong pamilya?

Ang Teacher Dani ay isang satirical fiction tungkol sa mga taong matagal nang natutong manahimik, magtiis, at magsakripisyo upang mapanatili ang kapayapaan. Ngunit paano kung ang kapayapaang iyon ay unti-unti nang dinudurog ang kanilang dignidad at nauubos na ang kanilang pagkatao?
Sa likod ng mga tawanan sa reunion, picture-perfect family photos, at mga payong nagsisimula sa “Pamilya mo pa rin ‘yan,” nakatago ang mga sugat, guilt, at traumang naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.
Sa pamamagitan ng katatawanan, kirot, at matatalim na obserbasyon tungkol sa kulturang Pilipino, inaanyayahan ng Teacher Dani ang mga mambabasa na pag-isipan kung saan nagtatapos ang pagmamahal at kung saan nagsisimula ang pagtatanggol sa sarili. Para ito sa mga taong natututong pumili ng kapayapaan kaysa huwad na pakikisama, at sa mga handang tanggapin ang isang mahirap na katotohanan:
Minsan, ang pinakataos-pusong paraan ng pagmamahal ay ang paglayo at paglaya.

Behind every relatable story is a writer who dares to tell the truth.
Si I.C. Galvan ay isang manunulat na naniniwalang may mga katotohanang kailangang marinig, at mga paksang dapat talakayin ngunit madalas iwasan dahil sa takot, hiya, o hindi pagiging komportable. Sa pamamagitan ng kaniyang mga akda, layunin niyang maghatid ng realisasyon, kamalayan, at lakas ng loob sa mga mambabasa.
Katulad ng kaniyang unang aklat na Broken Heroines (2025), ang Teacher Dani ay isinulat ni Galvan upang magsilbing armas at matapang na tinig laban sa pananahimik, maling nakasanayan, iba’t ibang anyo ng pang-aabuso, at hikayatin ang mga mambabasa na muling matagpuan ang kanilang tinig at tapang upang simulan ang laban.
Relatable Topics in Teacher Dani
- Toxic na kamag-anak
- Pasan ng pamilya
- Hirap mag-set ng boundaries
- Pagpili sa sarili
- Paghilom at pagbangon
Book Information
Title: Teacher Dani
Genre: Satirical Fiction
Format: Paperback & eBook
Release Date: July 19, 2026
Availability:
SHOPEE: https://shopee.ph/product/264837039/56264193337/
LAZADA: https://s.lazada.com.ph/s.ZTDr1P?c=w
8Letters Website: https://www.8lettersbooks.com/shop/teacher-dani-i-c-galvan-satirical-memoir/
EBOOK: https://eightlettersbooks.gumroad.com/l/kmmmrr
Publisher: 8Letters Bookstore & Publishing
ISBN
Paperback: 978-621-10-2800-2
More
↓ ↓ ↓ ↓ ↓ ↓
Advance Review Copies (ARC) are available upon request.
Interviews, features, guest articles, and collaborations are open.
For inquiries and review requests:
Instagram: @icgalvan_author
Facebook: @authoricgalvan
1 Today views, 83 Total views